29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

27:10; Kawikaan 3:12; Jeremias 3:4,22; 31:20; Osea 11:1-4; Malakias 3:17

2. Magulang – Osea 11:1-4

3. Ina – Awit 27:10 (paghahalintulad sa nagpapasusong ina); Isaias 49:15; 66:9-13

4. Batang tapat na mangingibig – Osea 1-3

II. Mga dahilan para sa paggamit ng mga ganitong uri ng wika

A. Isang pangangailang para sa Diyos na ihayag Niya ang Kanyang sarili sa mga taong

nilalang. Ang pinaka malaganap na konsepto ng Diyos bilang isang lalake ay isang

antropomorpismo dahil sa ang Diyos ay espiritu!

B. Ang Diyos ay nagdadala ng pinakamakahulugang aspeto ng buhay ng tao at ginagamit ito

upang ihayag ang Kanyang sarili sa makasalanang sangkatauhan (ama, ina, magulang,

mangingibig)

C. Bagamat kinakailangan, ang Diyos ay hindi kailangan na maging limitado sa anumang

pisikal na anyo (cf. Exodo 20; Deuteronomio 5)

D. Ang sukdulang antropomorpismo ay ang pagkakatawang tao ni Hesus! Ang Diyos ay

naging pisikal, nahahawakan (cf. I Juan1:1-3). Ang mensahe ng Diyos ay naging Salita ng

Diyos (cf. Juan1:1-18)

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 2:16-25

16 Kaya't nangyari, nang malipol at mamatay sa gitna ng lungsod ang lahat ng lalaking

mangdidigma. 17 Ay sinalita sa akin ng PANGINOON, na sinasabi, 18 Ikaw ay dadaan sa araw na ito

sa Ar, na hangganan ng Moab: 19 At pagka ikaw ay matatapat sa mga anak ni Ammon, ay

huwag kang manampalasan sa kanila ni makipagtalo sa kanila: sapagka't hindi ko ibibigay sa

iyo na pinakaari ang lupain ng mga anak ni Ammon: sapagka't aking ibinigay na pinakaari sa

mga anak ni Lot. 20 (Yaon man ay ibinilang na lupain ng mga Rephaim: para sa mga Rephaim

ang tumatahan doon noong una; nguni't tinawag na mga Zomzommeo ng mga Ammonita;

21 Bayang malaki at marami at matataas na gaya ng mga Anaceo; nguni't nilipol sila ng

PANGINOON sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila: 22 Gaya ng

ginawa ng PANGINOON sa mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, nang kaniyang lipulin ang

mga Horeo sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila hanggang sa

araw na ito: 23 At ang mga Heveo na nangagsitahan sa mga nayon hanggang sa Gaza, ay nilipol

ng mga Caftoreo na nangagmula sa Caftor, at tumahang kahalili nila.) 24 Magsitindig kayo,

kayo'y maglakbay, at magdaan kayo sa libis ng Arnon: narito, aking ibinigay sa iyong kamay si

Sehon na Amorrheo, na hari sa Hesbon, at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin, at

kalabanin mo siya sa digma. 25 Sa araw na ito ay pasisimulan kong ilagay sa mga bayang

nangasa silong ng buong langit, ang sindak sa iyo at ang takot sa iyo, na maririnig nila ang

iyong kabantugan, at magsisipanginig, at mangahahapis, dahil sa iyo.

2:16 “nang malipol at mamatay ang lahat ng lalaking mangdidigma” Ito ay nagpapakita ng isang

pagtitimbang sa pagitan ng ang pag-ibig ng Diyos at ang katarungan ng Diyos. Ang layunin ng Diyos ay

hindi lamang magparusa, ngunit matulungan ang Kanyang bayan na matuto mula sa kanilang kamalian.

Samakatuwid, ginawa Niya ang bayang ito, sa ilalim ng Kanyang parusang kamatayan, na naglagalag sa

loob 38 taon, ngunit pinakain Niya sila, minahal Niya sila at nagtustos Siya sa kanila. Hindi ito

biglaangkamatayan, ngunit ito ay isang di-napapanahon na kamatayan. Ang bawat kalalakihan na

dumating sa Cades-barnea, na may 20 taong gulang pataas, ay nangayon ay patay na, maliban kina Josue

at Caleb.

2:19 Ito ay kahalintulad sa 2:5 at 2:9. Ang mga katulad MGA PANDIWANG ito gaya ng sa v. 9. Dito ang

una (BDB 849, KB 1015) ay JUSSIVE sa kahulugan, ngunit ngunit hindi sa anyo. Ang pangalawa (BDB

173, KB 202) ay isang Hithpael JUSSIVE. Ang Ammonita ay mga kamag-anak din ng mga Israelita sa

47

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!