29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

15:19). Ito may mangahulugang (1) ito ay kailangang wasakin o (2) pinagkaloob sa mga saserdote. Ang

prinsipyong ito ay umiiral pa rin ba ngayon Ipinapahayag ko na ang mga OT kautusan ay kailangang

ulitin sa NT na umiiral sa mga mananampalataya ng Bagong Kasunduan (cf. Mga Gawa 15; I Corinto 8-

10; Galacia 3). Si Hesus, sa Kanyang sarili ay tinanggihan ang kapwa sistemang pag-aalay at mga

kautusan sa pagkain (cf. Marcos 7:17-23). Tingnan ang buong pagkakayari ng NT na aklat ng Hebreo

(i.e., ang kapanaigan ng NT sa OT). Ang dalawang aklat na nakatulong sa aking mag-isip sa isyung ito

ay:

1. How To Read the Bible For All Its Worth nina Gordon Fee at Doug Stuart

2. Gospel and Spirit ni Gordon Fee

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 22:10

10

Huwag kang mag-aararo na may isang baka at isang asno na magkatuwang.

22:10 “Huwag kang mag-aararo na may isang baka at isang asno” Ang mga baka ay malinis, ang

mga asno ay madumi, ngunit sa pagbabawal na ito, na sinabi ng mga rabbi, ay gagawin tulad ng isang

makataong pagkumpas sa mga hayop ng iba’t-ibang mga lakas at mga katangian. Gayunman, sa

konteksto, ito ay isa pang halimbawa ng “huwag maghahalo ng mga bagay!”

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 22:11

11

Huwag kang magbibihis ng magkahalong kayo, ng lana at lino na magkasama.

22:11 “Huwag kang magbibihis ng magkahalo” Ito ay pang pagtatangi ng mga magkakahalong bagay

(cf. Levitico 19:19). Ito ay maaaring maging isang talinghaga ng paghahalo ng mga kasanayan ng maka-

YHWH at Cananeo. Ang ilan ay tinitingnan ito (1) na kaugnay ng mga damit pangmahika (i.e., mga

tularad ng mga magkakahalong sangkap) o (2) ang Dead Sea Scrolls (i.e., 4QMMT) ay binanggit na

tanging tiyak na mga uri ng damit ang maaaring ihalo (i.e., mga damit ng saserdote na gawa mula sa lana

at lino, na maaaring managhulugang isang sagradong pagkaunawa. Marahil ay kung bakit ang hindi

pinapahintulot na paghahalo ay ipinagpapalagay na “madumi.”

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 22:12

12

Gagawa ka sa iyo ng mga tirintas sa apat na laylayan ng iyong balabal, na

ipinangbabalabal mo sa iyo.

22:12 Sa kontekstong ito, ito may nagpapatuloy na pagtangi sa anumang bagay na Cananeo. Ang Israel

ay magkakaroon ng iba’t-ibang pagsamba, iba’t-ibang Diyos, iba’t-ibang kasuotan! Sa Bilang 15:37-42

ang mga palawait na ito may dagdag na kahulugan ng pagpapaalala sa mga Israelita upang ingatan at

mahalin ang kautusan. Ito na katulad na uri ng simbolismo ay naglalarawan sa tallith (pampanalanging

balabal) sa panahon ni Hesus. Ang kasuotan ay tumutukoy sa isang parihabang tela na ginamit upang

takpan ang itaas na bahagi ng isang tao, lalo na sa panahon ng pagsamba, panalangin, at pagbabasa ng

Banal na Kasulatan. Ito ay di-tiyak kung ang mga palawit ay kakailanganin din (o pinapayagan) sa damit

pambabae. Ito may isa pang bagay na nauugnay sa pagpapalitan ng damit (cf. v. 5).

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 22:13-19

13

Kung ang sinoman ay magasawa, at sumiping sa kaniya, at pagkatapos kaniyang kapootan

siya, 14 At kaniyang bintangan ng mga kahiyahiyang bagay, at ikalat ang isang masamang

dangal niya, at sabihin, Aking kinuha ang babaing ito, ngunit nang sipingan ko siya, ay hindi ko

nasumpungan sa kaniya ang mga tanda ng wala pang karanasan: 15 Kung magkagayo'y ang ama

ng dalaga at ang kaniyang ina ay kukuha at maglalabas ng mga tanda ng wala pang karanasan

ng dalaga sa harap ng mga matanda sa lungsod, sa pintuang-lungsod; 16 At sasabihin ng ama ng

dalaga sa mga matanda, Ibinigay ko ang aking anak sa lalaking ito na maging asawa at

260

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!