29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Edom at Moab) ay mawawalan ng lupain at malilipol bilang isang bayan. Ang lahat ng lupain

ipinagkaloob ay may pasubali. Ito rin ay totoo sa Israel (i.e., ang mga pagpapatapon sa Assyria at

Babilonya). Ang lahat ng mga kasunduan ng Diyos (maliban sa Genesis 6 at 15) ay may pasubali.

Ang Kanyang mga pangako ng pagtubos ay tiyak (walang pasubali), ngunit bawat tao/bansa ay

kailangang tumugon at magpatuloy na tumugon na naaangkop! Ang isang nagpapatuloy, masunuring

pananampalatayang pakikipag-ugnayan ay napakahalaga. Kinakailangan ni YHWH ang

pananampalataya, pagsisisi, pagsunod, at pagtitiyaga, sa kapwa OT at NT.

2:6 Ang Israel ay dapat na bumili na kapawa pagkain at tubig bilang isang pagpapahayag ng kanilang

pagkilala sa kapangyarihan ng Edom sa kanilang lupain, na ipinagkaloob ni YHWH.

1. “Bumili ng pagkain” (BDB 991, KB 1404, Qal DI-GANAP)

2. “Bumili ng tubig” (BDB 500, KB 497, Qal DI-GANAP)

2:7 “a loob nitong apat na pung taon ay sumaiyo ang PANGINOON mong Diyos; ikaw ay di

kinulang ng anoman” Ang talatang ito ay naglalarawan ng pag-ibig ng Diyos kahit na sa gitna ng

paghihimagsik ng Israel laban sa Kaniya (i.e., ang kakulangan ng pananampalataya sa Kanyang pangako

na ipinagkaloob ang ang lupain ng Canaan).

Ang Yugto ang Paglalagalag sa Ilang ay isang kahatulan sa isang salin-lahi ng mga Israelita na may

maliit na pananampalataya, ngunit ito ay ipinihit sa isang panahon pansariling presensiya at pagtutustos

ni YHWH. Ang mga rabbi ay tinatawag itong yugto ng pagpupulot-gata sa pagitan ni YHWH at Israel.

Si YHWH ay nagkaloob ng:

1. pagkalinga

2. personal na patnubay

3. pagkain

4. tubig

5. mga damit na hindi naluluma

6. tagumpay sa pakikidigma

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 2:8-15

8 Gayon tayo nagdaan sa ating mga kapatid, na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir,

mula sa daan ng Araba, mula sa Elath at mula sa Esion-geber. At tayo'y bumalik at nagdaan sa

ilang ng Moab. 9 At sinabi sa akin ng PANGINOON, Huwag mong kaalitin ang Moab, ni

kakalabanin sila sa digma; sapagka't hindi kita bibigyan sa kaniyang lupain ng pinakaari;

sapagka't aking ibinigay na pinakaari ang Ar sa mga anak ni Lot. 10 (Ang mga Emimeo ay

nanahan doon noong una, bayang malaki, at marami, at matataas na gaya ng mga Anaceo: 11 Ang

mga ito man ay ibinilang na mga Rephaim, na gaya ng mga Anaceo; nguni't tinatawag silang

Emimeo ng mga Moabita. 12 Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una, nguni't ang mga

anak ni Esau ay humalili sa kanila; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila, at tumahan na

kahalili nila; gaya ng ginawa ng Israel sa lupaing kaniyang pag-aari, na ibinigay ng PANGINOON

sa kanila.) 13 Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo sa batis ng Zered. At tayo'y tumawid sa

batis ng Zered. 14 At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa

tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, hanggang sa ang buong lahi ng

mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng

PANGINOON. 15 Bukod dito'y ang kamay ng PANGINOON ay naging laban sa kanila, upang lipulin

sila sa gitna ng kampamento, hanggang sa sila'y nalipol.

2:8 “Gayon tayo nagdaan sa ating mga kapatid, na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir” Ang

paggamit na ito ng “mga kapatid” ay tila kabalintunaan. Sila ay magkamag-anak. Sila ay nanggaling sa

katulad na mga ninino, sina Isaac at Rebekah, ngunit suka ay kumikilos tulad ng kahit ano maliban sa mga

magkamag-anak.

44

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!